11 pulis, ini re-assign sa ibang municipal police station sa Aklan

Kalibo, Aklan — Ini re-assign ang 11 na mga pulis sa ibang municipal police station dito sa Aklan.
Base sa impormasyon na galing sa Aklan Police Provincial Office (APPO) na ang mga nire-assign na mga pulis ay galing sa APPO Headquarters, Altavas, Balete at New Washington Municipal Police Station.
Ang mga nasabing pulis ay sina:
PEMS George Flores at PSSgt. Jan Jay T. Invina na parehong ini-assign sa Balete MPS, mula sa dating assignment nila sa Aklan PPO.
Naka assign naman ngayon sa Ibajay PNP Station si PSSgt. Felizardo L. Montoya, na mula rin sa Aklan PPO.
Mula sa Altavas MPS ay inilipat sa Balete MPS sina PEMS Luisito Concepcion at PSSgt. Edmund F. Lorenzo.
Inilipat din sa Altavas MPS si PEMS Rodolfo Panganonong Jr. na galing sa Balete MPS, habang sa New Washington PNP naman si PCMS Esmael Panganonong na galing rin sa Balete MPS.
Sa Nabas MPS naman napunta si PCMS Jhonel D. Quitong, at sa Numancia MPS naman si Police Corporal Arjorine Mendoza na parehong galing sa Balete MPS.
Ang nasabing paglipat sa ibang mga pulis ng kanilang assignment ay para sa ‘additional effectiveness’ nila.
Bago pa man nagsimula ang mga nasabing pulis sa kanilang bagong duty ay nakipag courtesy call muna sila sa mga municipal mayors.
Epektibong noong Lunes ang bagong assignment ng mga inilipat na pulis.

Facebook Comments