Magpinsan, parehong na-ospital matapos mag saksakan

43

Kalibo, Aklan — Parehong na-ospital ang mag pinsan matapos na ito’y magsaksakan kagabi sa Purok 2, C. Laserna St., Poblacion, Kalibo, Aklan.

Nakilala ang dalawa na sina Jerald Olds, 26-anyos ng Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan at Benjie Esteban 36 anyos ng Purok 2, C. Laserna.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, na inaayos ni Benjie ang kanyang motorsiklo ng lapitan sya ni Jerald at hinawakan ang leeg pero nagpumiglas ito at doon nya sinaksak si Benjie.


Matapos ang pangyayari ay umuwi si Benjie at muling umalis.

Hindi pala alam ni Jerald na inaabangan sya ni Benjie sa madilim na bahagi ng daan at nag ito’y dumaan sakay ng kanyang motorsiklo ay doon naman sinaksak si Jerald na tinamaan sa kanyang kanang tagiliran.

Mabilis naman tumakas si Benjie pero sa isinagwang follow up operation ng mga kapulisan ay nahuli ito.



Sa ngayon ay nagpapagaling na si Jerald matapos sumailalim sa operasyon kagabi habang si Benjie ay naka hospital arrest at nagpapagaling rin sa St. Gabriel Medical Center.

Lumalabas na dati ng alitan ng dalawa ang dahilan ng nasabing insidente.

Facebook Comments