11 sa mga pulis, nadagdag sa mga positibo sa COVID-19

Parami nang parami ang bilang ng mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay umaabot na sa 2,048.

Sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) kahapon, panibagong 11 mga pulis ang nag-positive sa COVID-19.

Pito sa mga nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), dalawa sa Police Regional Office (PRO) 7, isa sa PRO 1 at isa sa PRO 10.


Pero magandang balita dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 730 ay gumaling na habang inoobserbahan pa ang 809 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,464 na pulis na suspected cases ng COVID -19.

Una nang inihayag ni PNP Chief Police General Archie Gamboa na magtatayo ang PNP ng ikalawang Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) center sa Camp Crame habang matatapos ang itinatayong RT-PCR sa Cebu.

Nagpapa-plano na rin silang magtayo ng RT-PCR center sa Davao.

Layunin nang pagtatayo ng mga RT-PCR center ay upang agad na ma-detect kung positibo sa COVID-19 ang isang pulis nang sa ganun ay maagapan at magamot at hindi na magkahawa-hawa pa.

Facebook Comments