11 taong gulang na bata, patay nang masunog ang 78 bahay sa Misamis Oriental

Patay ang 11 taong gulang na special child matapos masunog ang 78 mga bahay sa San Antonio, Jasaan, Misamis Oriental.

Ang biktima ay nakilala sa pangalan na si Nieljon Mark Daapong.

Ayon sa kaniyang ama, na natutulog ng mga panahon na sumiklab ang apoy ang kaniyang anak sa ikatlong palapag ng kanilang bahay.


Di umano nito namalayan ang anak na si Nieljon, matapos nitong ipinalabas sa nasusunog na bahay ang dalawang anak nito na pawang mga special child.

Ayon naman sa Brgy. Kapitan ng San Antonio Jasaan, Misamis Oriental, na sa bahay ng pamilyang Daapong, nagsimula ang nasabing sunog matapos diumanong sinaksak ng biktima na si Nieljon ang plug ng kanilang sirang TV kung kayat sumabog na siyang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Umabot sa 78 mga bahay ang nasunog, na kinabibilangan ng 427 na mga indibidwal.

Kasalukuyang sumilong ang mga biktima sa covered court ng San Antonio Jasaan, Misamis Oriental.

By: Joanna Ricote

Facebook Comments