Simultaneous Earthquake Drill isinagawa sa isang Mall sa Brgy. Luna, Surigao City

Simultaneous Earthquake Drill isinagawa sa isang Mall sa Brgy. Luna, Surigao City Sinimulan ang Drill alas 2:00 ngayong hapon sa Parkway Hotel sa Brgy. Luna, Surigao City. Mga humigit kumulang 50 ang sumali hindi lamang ang mga kawani ng Mall kasama na rin ang iilang shoppers at ang personahe ng Social Security System na kung saan ang opisina nasa loob ng Mall. Sa nasabing drill, tinuruan ang mga ito kung anong gagawin kung sakaling may mangyaring lindol. Binigyangdiin ang pagsunod sa Dock, Cover and Hold. Kung matatandaan noong Pebrero 10 ngayong taon, noong nangyari ang magnitude 6.9 na lindol sa lunsod, ang Parkway Hotel ang isa sa grabeng naapektuhan.

Facebook Comments