11 Wanted Person sa Lambak ng Cagayan, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga otoridad ang labing isang (11) katao na wanted sa Lambak ng Cagayan matapos maaresto ang mga ito sa magkakahiwalay na lugar sa rehiyon dos.

Hinuli sa bisa ng warrant of arrest ang itinuturing na Top 1 Most wanted municipal level sa kasong panggagahasa si Ronel Taloza, 33 anyos, residente ng Brgy. Calamegatan, Buguey, Cagayan habang ang Top 4 most wanted person naman sa bayan ng Sto Niño, Cagayan na kinilalang si Isidro Aguinaldo, 55 anyos, residente ng Brgy. Dungao, Sto. Niño, Cagayan ay naaresto rin sa kasong frustrated murder.

Timbog rin si Jerome Guingayan, 33 anyos, ng Brgy. Centro, Sta. Ana, Cagayan, sa kasong Grave Threat at Sebia Aytona, 60 anyos, residente ng Brgy. Alilinu, Camalaniugan, Cagayan dahil sa kasong Perjury.


Sa lalawigan ng Isabela, nadakip rin sa bisa ng warrant of arrest sina Domingo Castro, 51 anyos, residente ng Brgy. San Isidro, Diffun, Quirino sa kasong Frustrated Homicide; Reymund Quijano, 43 anyos, residente ng Brgy. Pinoma, Cauayan City, Isabela sa kasong anim na beses na Estafa, Paul Santiago, 26 anyos, residente ng Brgy. Anao, Cabagan, Isabela sa kasong Attempted Homicide; at Romnick De Vilar, 24 anyos, residente ng Brgy. Gucab, Echague, Isabela sa kasong Acts of Lasciviousness.

Huli rin sa lalawigan ng Nueva Vizcaya sa kasong Concubinage sina Nathaniel Fronda, 49 anyos, at Jerdalyn Montoya, 40 anyos, kapwa rersidente ng Brgy. Barat, Bambang, Nueva Vizcaya habang sa probinsya ng Quirino ay nadakip rin sa kasong Direct Assault si Rey Busania, 36 anyos, residente ng Brgy. Dipintin, Maddela, Quirino na ngayon ay nakapiit na sa BJMP Santigo City.

Facebook Comments