11 year old na estudyante sa Gensan, nag-trending sa social media matapos mag-apply ng trabaho sa isang insurance company

General Santos City – Trending ngayon sa social media ang isang grade 5 pupil matapos mag-apply ng trabaho sa isang insurance company sa lunsod ng Gensan para may pambayad umano sa kanyang project sa paaralan.

Ang nasabing grade 5 pupil kinilalang si James Kerby Villarejo, residente ng Barangay Lagao Gensan at mag-aaral sa Jose Catolico Sr. Elementary School.

Isang Chriszel Singco Vicente, empleyado ng nasabing insurance company ang nag-upload ng video na mayroon nang mahigit 1.2 million views, matapos naantig umano ang kanyang puso dahil na rin sa ginawa ng bata na pag-apply ng trabaho sa kagustuhang makabayad sa kanyang bayarin sa school.


Napag-alaman na galing sa kanyang paaralan, nag lakad si Kerby patungo sa kanilang bahay ng kanyang nadaanan ang insurance company, naisipan nitong pumasok para mag apply ng trabaho.

Napag-alaman na panganay sa apat na magkakapatid si Kerby na gustong maging piloto at ang kanyang tiyahin ang nagpapa-aral sa kanya.

Dahil dito, nag ambag-ambag ng pera ang mga empleyado para ibigay kay Kerby.

Samantala, nilinaw naman ni Gensan City School Division Supt. Gildo Mosqueda na mahigpit nitong ipinagbilin sa lahat ng guro sa Gensan na wag gawing compulsory ang bayarin sa paaralan.

Facebook Comments