Mga militanteng grupo, nangako na susundin ang kanilang napagkasunduan sa pagitan ng QCPD sa SONA ng Pangulo sa Lunes

Manila, Philippines – Tiniyak ni Bayan Secretary General Renato Reyes na hindi manggagaling sa kanilang hanay sakaling magkaroon ng kaguluhan sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes July 24.

Ang pahayag ay ginawa ni Reyes matapos na makpagpulong ang kanilang grupo sa Kampo Karingal kay QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar upang maplantsa ang mga gusot sa SONA ng Pangulo.

Ayon naman kay Eleazar, napagkasunduan nila na dapat bantayan ni Reyes ang kanilang hanay upang hindi mahaluan ng mga makakaliwamg grupo na posibleng maghasik ng kaguluhan.


Paliwanag ni Eleazar, tiwala siya sa mga pangako ni Reyes na hindi sila manggugulo sa SONA ng pangulo dahil kapag sumira umano ng mga militanteng grupo sa kanilang napagkasunduan tiyak hindi anya magugustuhan ng mga ito ang gagawin ng kapulisan.
Umaasa si Eleazar na tatalima ang mga militanteng grupo sa kanilang napagkasunduan na maging mapayapa lamang ang kanilang gagawing kilos protesta sa Lunes.

Facebook Comments