General Santos City—trending ngayon sa Social Media ang isang grade 5 pupil matapos nag apply ng trabaho sa isang insurance company dito sa lunsod ng Gensan para may pambayad umano sa kanyang project sa paaralan. Ang nasabing grade 5 pupil kinilalang si James Kerby Villarejo residenti ng Barangay Lagao Gensan at mag-aaral sa Jose Catolico Sr. Elementary School.
Isang Chriszel Singco Vicente empleyado ng nasabing insurance company ang nag apload ng video na mayroon nang mahigit 1.2 million views, matapos naantig umano ang kanyang puso dahil na rin sa ginawa ng bata na pag-apply ng trabaho sa kagustuhang makabayad sa kanyang bayarin sa School.
Napag-alaman na galing sa kanyang paaralan, nag lakad si kerby patungo sa kanilang bahay ng kanyang nadaanan ang insurance company, naisipan nitong pumasok para mag apply ng trabaho.
Napag-alaman na panganay sa apat na magkakapatid si Kerby na gustong maging peloto at ang kanyang tiyahin ang nagpapa-aral sa kanya. Dahil dito, nag ambag-ambag ng pera ang mga empleyado para ibigay kay Kerby.
Samantala nilinaw naman ni Gensan City School Division Supt. Gildo Mosqueda na mahigpit nitong ipinagbilin sa lahat ng guro dito sa Gensan na wag gawing compulsory ang bayarin sa paaralan.
Sa ngayon baha na ang tulong nay Kerby mula sa mga taga Gensan at iba pang lugar na naantig din sa kwento ng nasabing bata.