110 – 274 pesos, ipinanunukalang toll sa Skyway Stage 3

103

Magsisimula nang maningil ang San Miguel Corporation (SMC) ng toll sa katapusan ng buwan.

Ang Central Metro Manila Skyway Corporation ay nagsumite na sa Toll Regulatory Board (TRB) ng petisyon hinggil sa proposed toll rate matrix para sa Skyway Stage 3.


Lumalabas sa petisyon na ang toll ay tinatayang magkakahalaga ng 110 hanggang 274 pesos depende sa layo ng biyahe mula entry point at exit point.

Sa ngayon, ang proposed toll rates ay nakabinbin at hinihintay na maaprubahan ng TRB.

Facebook Comments