11,000 Employee ng ABS-CBN, Mas Mahalaga- Isabela 1st Dist. Cong. Albano

Cauayan City, Isabela- Hiniling ni Isabela 1st District Congressman at Vice Chair Committee on Legislative Franchises Antonio ‘Tonypet’ Albano na kinakailangan pa rin na matimbang ng kanyang kapwa mambabatas ang kahalagan 11,000 na mga empleyado ng giant network na ABS-CBN na maaapektuhan sakaling tuluyang maipasara ang operasyon nito.

Ayon kay Albano, hindi rin isinasantabi ang naungkat na isyu ng network kung ito ba ay naging makatao sa pagpapasahod ng tamas a mga empleyado o kung totoong may paglabag ba ang network sa usapin ng prangkisa.

Giit pa ni Albano, hihikayatin niya ang mga mambabatas na bumoto pabor sa kanilang kagustuhan kung mananatili sa operasyon ang network subalit tinitiyak nito na dadaan sa tamang proseso ang imbestigasyon ukol dito.


Una nang inimbitahan ngayong araw para sa pagdinig ng kamara si Solicitor General Jose Calida subalit tumanggi ito dahil sa nakasampa ang reklamo sa korte suprema.

Sinabi pa ni Albano, walang iniuutos si Pangulong Duterte para diktahan ang desisyon sa pagbibigay ng prangkisa sa network.

Tinitiyak naman ni Albano na mananaig ang katotohanan sa isasagawang imbestigasyon bago tuluyang mabuksan ang operasyon ng tv network.

Facebook Comments