11,000 pulis, ipakakalat sa Metro Manila ngayong Semana Santa

Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng higit 11,000 pulis ngayong Semana Santa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NCRPO PIO PLt. Col. Jenny Tecson na layon ng kanilang pwersa na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa paggunita ng Mahal na Araw.

Ayon pa kay Tecson, focus ng kanilang pwersa ang mga lugar na dinadagsa ng publiko tulad ng simbahan, mga terminal, mall at iba pang tourist destination sa kalakhang Maynila.


Sinabi pa nito na dahil naka-full alert ang kanilang hanay, suspendido muna ang pagli-leave ng mga pulis ngayong Semana Santa.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang kanilang ugnayan sa barangay officials upang maipaalala sa kanilang mga nasasakupan ang mga dapat gawin upang hindi mabiktima ng kawatan habang nagbabakasyon ngayong Holy Week.

Paalala rin nito sa publiko na maging vigilant at mahigpit pa ring sundin ang health and safety protocols sapagkat nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments