110,000 drivers at operators, nabigyan na ng fuel subsidy ng LTFRB

Umabot sa 110,000 na mga public utility vehicle (PUV) drivers at operator ang nabigyan ng fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board bago abutan ng COMELEC spending ban.

Ayon kay LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion, mula ito sa kabuuang 264,000 na mga driver at operator ng pampasaherong jeep, bus, taxi, UV Express at transport network vehicle service (TNVS).

Aniya, may hiwalay namang listahan ng mga benepisyaryo ng fuel subsidy ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of the Interior and Local Government (DILG).


“Tapos mayroon din po sa DTI na deliveries na 22,777 and then mayroon din po sa DILG, na we are still waiting for the list po. Iyan iyong kabuuan na target natin na 377. So, out of that po, 264,000 more or less iyong LTFRB manage and out of that, 110,000 na po ang ating naihulog doon sa kanilang mga account prior to the temporary suspension.” ani Cassion

Nauna nang pinayagan ng COMELEC ang pagpapatuloy ng pamamahagi ng fuel subsidy sa mga PUV driver at operator.

Pero sinabi ni Cassion na hinihintay pa nila ang opisyal na papel mula sa COMELEC.

Facebook Comments