Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan na sa susunod na linggo

136

Asahan na ang rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad, maliit lang ang magiging bawas-presyo na halos kaparehong halagang ng pinakahuling rollback.

Batay sa pagtiya, nasa P1 hanggang P2 ang magiging bawas sa kada litro ng gasolina habang P0.50 hanggang P1 naman ang itatapyas sa diesel.


Paliwanag ni Abad, ang inaasahang rollback ay bunsod ng kahandaan ng Amerika at iba pang miyembro ng International Energy Agency na magpalabas ng krudo mula sa kanilang imbak na petrolyo para punan ang pangangailangan sa world market.

Facebook Comments