PNP, bukas sa alinmang imbestigasyong ikakasa hinggil sa nangyaring pangho-hostage noong Linggo kay dating Sen. De Lima

Walang nakikitang problema ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa ikakasang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso maging ng iba pang law enforcement agencies kasunod ng tangkang pagtakas ng tatlong persons under police custody na nauwi sa pangho-hostage kay dating Sen. De Lima sa loob mismo ng PNP Custodial Center sa Camp Crame noong Linggo ng umaga.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police BGen. Roderick Augustus Alba bagama’t gumagawa na ng hakbang ang PNP sa pagtugon sa insidente at nakapagbigay na ng sapat na impormasyon, bukas pa rin sa kanila ang iba pang mga grupo na magsasagwa ng imbestigasyon.

Aniya, pagpapakita lamang ito na bukas ang PNP at walang itinatago.


Pagtitiyak pa ni Alba na ibibigay ng Pambansang Pulisya ang buo nilang kooperasyon sa mga nais magkasa ng imbestigasyon basta’t dumaan lamang ito sa tamang proseso.

Nabatid na maliban sa Commission on Human Rights (CHR), nananawagan din ng imbestigasyon ang ilang mga mambabatas hinggil sa nangyaring hostage taking kay dating Sen. De Lima.

Facebook Comments