Isa, patay habang isa ang nawawala dahil sa Bagyong Maymay sa Cagayan

Isa na ang naiulat na nasawi habang isa rin ang nawawala sa pananalasa ng Bagyong Maymay sa probinsya ng Cagayan.

Ayon kay Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Ruelie Rapsing, bineberipika na nila kung may kinalaman sa bagyo ang pagkamatay ng hindi pa pinangalanang mangingisdang na naglayag kahapon upang makapangisda kahit masama ang panahon.

Bukod dito, isa rin ang naiulat na nawawala sa bayan ng Santa Ana matapos na pumalaot.


Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalaot kapag umiiral ang no sail policy sa probinsya dahil sa banta ng Bagyong Maymay.

Sa ngayon ay umabot na sa 1,270 katao o 430 pamilya ang nagsagawa ng pre-emptively evacuation sa limang munisipalidad sa Cagayan.

Facebook Comments