12 indibidwal, nasawi dahil sa pagbaha sa Iraq

62

Nasawi ang 12 katao dahil sa pagbaha dulot ng malalakas pag-ulan sa northern at northeastern ng Iraq.

Ayon kay Erbil mayor Nabz Abdulhamid, maliban sa mga nasawi ay marami pa ring pamilya ang na-trap sa kanilang mga tahahan.

Patuloy naman itong inililikas ng mga otoridad kasama ang libong iba pa na nananatili sa evacuation center.


Sa ngayon, nagpaabot na ng pakikidalamhati si Iraqi Kurdistan Region Prime Minister Masrour Barzani sa mga pamilya ng nasawi at tiniyak ang agarang tulong at suporta sa mga ito.

Facebook Comments