SB19, bagong youth ambassador ng NCCA

84

Napiling bagong youth ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang boy group na SB19.

Ito ay bilang mukha na kanilang bagong global organization na Sentro Rizal na nagsusulong ng pagkilala sa Filipino art, culture at language.

Ayon sa NCCA, napili ang SB19 hindi lamang dahil sa kanilang malaking fan base at impluwensiya sa local at international, kundi dahil sa kanilang pagmamahal sa mga programa ng komisyon.


Ang SB19 ay isang five-member Filipino pop group na kinabibilangan nina; Pablo, Josh, Justin, Ken at Stell.

Kinilala ang grupo bilang kauna-unahang Southeast Asian at Pilipinong nominado sa Billboard Music bilang Top Social Artist noong 2021 at nakapasok sa Billboard’s weekly hot trending songs chart para sa kanilang awiting ‘Bazinga’.

Facebook Comments