Hindi maiiwasan na ang hilig talaga ng mga bata ay ang pagkain ng matamis na siyang dahilan sa pagkasira at pagkabulok ng ngipin.
Kaya naman, nagsagawa ng pakulo tungkol sa oral health ang LGU Asingan para sa mga chikiting na may temang “The Outstanding Orally Fit and Totally Healthy Children o TOOTH Award.
Lumahok sa paligsahan ng pagpapakita ng maganda at maayos na ngipin ang nasa 113 na chikiting mula sa 25 Child Development Center.
Samantala, naiuwi ng limang taong gulang na si Aleria Gabrielle Jamias mula sa Bantog Child Development Center ang Tooth Award, matapos nitong maipamalas ang maganda at maayos nitong ngipin sa paligsahan.
Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng kamalayan ang mga magulang na alagaan ang ngipin ng kanilang mga anak at malaman ang importansya ng malusog na ngipin sa maayos na kalusugan. |ifmnews
Facebook Comments