1,130 TNVS applications, inaprubahan na ng LTFRB

32

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakapag-apruba na ito ng aabot sa 1,130 Certificate of Public Convenience (CPC) ng mga Transport Network Vehicles Services (TNVS).

5,061 CPCs naman ang naipalabas na ng ahensya.


1,437 na CPC ay pirmado na ng LTFRB Board.

1,130 ang matatapos na ang proseso sa susunod na Linggo.

May 46,583 naman ang nabigyan ng Provisional Authority as of August 14.

Kasunod naman ito ng ipinalabas na report at rekomendasyon ng Anti-Red Tape Authority sa mga reklamo ng TNVS community sa mabagal na proseso ng mga TNVS applications.

Nangako naman ang LTFRB na aaksyunan agad ang mga aplikasyon ng mga TNVS na nakakumpleto na ng mga documentary requirements at nakapagbayad nang buo.

Facebook Comments

From Advertisers