114 Indibidwal, nasaktan sa nangyaring lindol kahapon ayon sa NDRRMC

Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 114 na nasaktan sa magnitude 7 na lindol na tumama sa Northern Luzon kahapon.

Base sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, 113 sa mga nasaktan ay galing sa Cordillera habang 1 naman ay galing sa Region 2.

Samantala, nanatili naman sa 4 ang kumpirmadong nasawi sa lindol kung saan lahat ay galing sa Cordillera.


Ayon pa sa NDRRMC, 3, 456 na pamilya o katumbas ng 12, 945 na indibidwal ang apektado ng lindol.

Pagdating naman sa mga pinsala, 19 na tulay at kalsada pa ang hindi madaanan sa ngayon, kung saan 17 dito sa Cordillera at tig-isa naman sa Region 1 at 2.

857 na mga bahay naman ang napinsala sa Cordillera.

Facebook Comments