*Cauayan City, Isabela*- Narekober ng mga awtoridad ang may kabuuang 114 piraso ng mga inabandonang lumber o katumbas ng mahigit kumulang 2,000 board feet sa Sitio Kapanikian, Brgy. Centro 2, Sanchez Mira, Cagayan.
Una rito, nakatanggap ang mga alagad ng batas ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na may mga kahoy ang nagkalat sa isang masukal na lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Sanchez Mira, hinihinalang pag aari ng isang Juanito Rompon ang mga natagpuang kahoy na residente ng Centro 1, Freny Sacbibit at Bong Abad na kapwa residente ng Brgy. Centro 2 sa nasabing bayan.
Inalerto naman ang lahat ng kapulisan sa lugar na maging mapagmatyag sa mga insidente ng pamumutol ng kahoy upang mapanagot ang mga ito sa batas.
Photo Courtesy: PNP Sanchez Mira