1,141 na mga bisita, dumalaw na sa kanilang mga kaanak na nakahimlay sa Sta. Clara de Montefalco Cemetery sa Pasay

Umaabot na sa 1,141 ang bilang ng mga bisitang pumasok sa Sta. Clara de Montefalco Roman Catholic Cemetery sa Pasay mula nitong October 1, 2020.

Ayon kay Cemetery Administrator Ramon Romero, ito ay base sa kanilang logbook.

Tiniyak naman ni Romero na maayos nilang naipatutupad ang protocol sa mga bisitang pumapasok sa sementeryo.


Sa ngayon, isang gate lamang sa Sta. Clara de Montefalco Roman Catholic Cemetery ang binubuksan para sa mga bisita.

Ito ay taliwas sa anim na gates na binubuksan noon sa nasabing sementeryo.

Layon nito na matiyak na masusunod ang pinaiiral na health protocols sa gitna ng pandemic.

Muli namang nagpa-alala ang Pasay City Local Government Unit (LGU) na sarado ang mga sementeryo sa lungsod mula October 29 hanggang November 4, 2020.

Facebook Comments