115 pang Pinoy, naiwan sa West Bank

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Jordan na may naiwan pang 115 Filipino nationals sa West Bank.

Ito ay binubuo ng siyam na mga madre, 21 Overseas Filipino Workers (OFWs) at 85 resident Filipinos.

Una nang dumating sa bansa noong November 8 ang unang batch ng mga Pinoy na nakatawid sa West Bank.


Samantala, parating na sa bansa ngayong araw ang ikalawang batch ng Filipino repatriates mula West Bank.

Sinagot ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of Migrant Workers (DMW) ang plane ticket ng naturang repatriates.

Facebook Comments