116 na tauhan ng Office of Civil Defense nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang 116 tauhan ng Office of Civil Defense Central Office.

Ito ang kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) Deputy Spokesperson Mark Timbal.

Aniya, 80 percent sa mga ito ay asymptomatic.


Agad aniyang inilipat sa quarantine facility ang mga nagpositibo makaraang matukoy na sila ay positibo sa COVID-19 matapos ang kanilang RT-PCR test results ngayong araw.

Sinabi pa ni Timbal na nitong August 24, ay una nang nagpositibo sa COVID-19 ang 104 na tauhan ng Office of Civil Defense (OCD) central office kaya umabot na sa 220 personnel nila ang positibo sa COVID-19 kabilang na ang dalawang nagpositibo sa rapid test.

Sinabi ni Timbal, mayroon 380 personnel ang OCD central Office.

Facebook Comments