3 pang Pinoy sa Afghanistan, nailikas na rin

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 3 pang Pilipino sa Afghanistan ang nailikas na sa Doha, Qatar.

Sa ngayon, 24 pang mga Pinoy ang naiipit sa kaguluhan sa nasabing bansa.

16 naman na iba pa ang naghihintay ng evacuation dahil ang 8 ay nagpasyang magpaiwan sa Afghanistan.


Tiniyak naman ng DFA na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa international partners para sa paglilikas sa natitira pang OFWs doon.

Facebook Comments