117 na lugar na sakop ng 5th infantry division ng Philippine Army sa Northern Luzon, napalaya na sa presenya ng NPA

Binati ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino ang 5th Infantry Division (5ID) ng Philippine Army sa kanilang matagumpay na kampanya kontra sa New People’s Army (NPA).

Ang pagbati ay ipinaabot ng AFP chief sa kanyang pangunguna sa ika-41 anibersaryo ng 5ID sa Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela, kasama sina Major General Laurence Mina, Commander ng 5ID at Lieutenant General Ernesto Torres Jr, Commander ng Northern Luzon Command.

Ayon kay AFP chief, dahil sa malaking ambag ng 5ID sa “whole of nation approach” laban sa NPA, nakakamit na ngayon ng mga komunidad sa Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region ang malaking progresong pang-ekonomiya at kapayapaan at seguridad.


Ipinagmalaki naman ni MGen. Mina na napalaya ng 5ID ang 117 lugar mula sa impluwensya ng mga teroristang komunista; nabuwag ang apat na guerrilla fronts; at na nutralisa ang 950 personalities, kung saan 18 ang high-value individuals.

Tumulong din ang 5ID sa pagtiwalag ng 488 dating communist sympathizers, pagrekober ng 204 firearms, at pagbaliktad ng limang organisasyong dating kaalyado ng NPA.

Facebook Comments