Batas na magpapalakas sa SK, welcome sa oposisyon

108

Ikinatuwa ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas na nagpapalakas sa Sangguniang Kabataan.

Kamakailan ay naging ganap na batas ang Republic Act 11768 na nag-aamyenda sa Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.

Ayon kay Elago, malaking hakbang ito tungo sa pagtatatag ng kapasidad ng SK na maging independent sa pagtupad ng kanilang tungkulin.


Sa ilalim ng batas ay bibigyan ng buwanang honorarium at iba pang benepisyo ang lahat ng SK officials.

Naniniwala ang mambabatas na makakatulong ang repormang ito sa makabuluhang paninindigan ng mga kabataan sa demokrasya at maayos na pamamahala.

Facebook Comments