117 PDLs, nabigyan ng parole ng BPP

Kinumpirma ng Board of Pardons and Parole (BPP) na paunang 117 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang makakalaya na matapos maging eligible sa parole sa ilalim ng Interim Guidelines for Parole and Executive Clemency.

Bukod pa dito ang 424 PDLs na nakalinya na rin para sa parole at naghihintay na lamang ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ang naturang mga bilanggo ay mga nakatatanda at may sakit na pawang high-risk sa COVID-19.


Ang PDLs na kandidato sa parole at executive clemency sa ilalim ng Interim Guidelines ay kailangan lamang na magsumite ng ‘Clearances of No Pending Cases’, ‘No Appeal from the Court’ at NBI Clearance.

Ang PDLs naman na may nagawang karumal-dumal na krimen tulad ng pagkakasangkot sa illegal drugs, at iba pang itinuturing na high-risk inmate ng Bureau of Corrections (BuCor) ay hindi sakop ng mabebenipisyuhan sa ilalim ng Interim Guidelines.

Facebook Comments