118 na mga pulis, nadagdag sa mga positibo sa COVID-19

35

Tumataas pa ang bilang ng mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay umaabot na sa 1,761 na pulis.

Sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) kahapon, panibagong 118 na pulis ang nagpositive sa COVID-19.


30 sa mga bagong nagpositibo, nakatalaga sa NCRPO, isa sa headquarters service, dalawa sa PNP CALABARZON, 82 nakatalaga sa PRO 7 o Central Visayas, isa sa PRO 9 at dalawa sa National Police Training Institute.

Good news dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 687 na ay gumaling habang inoobserbahan pa ang 719 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,470 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Habang nanatili sa siyam ang mga pulis na namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments