119 Philippine Independence Day celebration, gugunitain ng mga Iliganon sa kabila ng kaguluhang nangyayari sa Marawi City

Iligan City – Gugunitain ng lokal na pamahalaan sa lungsod ng Iligan ang ika-119 na selebrasyon ng Philippine Independence Day.

Pangungunahan nang mga lokal na opisyal sa lungsod ang idadaos na flag raising ceremony ngayong araw sa itinakda sanang lugar sa City Public Plaza pero inilipat ito sa Anahaw Amphi Theater sa city hall para sa kapakanan at seguridad.

Naniniwala si City Councilor Sorilie Bacsarpa, over all chairperson ng grand triple celebration sa lungsod, na mahalaga paring gunitain ang kasarinlan ng bansa sa pagwawagayway ng ating watawat sa kabila ng nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.


May itinakda pa sanang civic military parade ang lungsod pero kinansila din ito dahil sa seguridad.

Isa lang sa highlights ng grand triple day celebration sa lungsod ng Iligan ang Philippine independence Day at matatapos ang mismong selebrasyon sa araw mismo ng Iligan ngayong Hunyo dise sais.
DZXL558

Facebook Comments