DOH, wala pang impormasyon sa OFW na nagpositibo sa COVID-19 sa Cyprus

Hinihintay pa ng Department of Health ang kumpletong impormasyon ng International Health Regulation (IHR) sa Pilipinong nagpositibo sa COVID-19 sa Cyprus.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, hindi pa matukoy kung ang Overseas Filipino Worker (OFW) ay nagpositibo sa Indian variant o ibang variant ng COVID-19.

Sinabi ni Vergeire na hintayin na lamang ang pagdating ng impormasyon mula sa IHR.


Dito aniya malalaman kung saan galing ang OFW at iba pang mga detalye para sa kaukulang tugon ng gobyerno.

Sa ngayon, nananatiling 12 ang kumpirmadong kaso ng Indian variant sa bansa, 9 mula sa tripulante ng MV Athens Bridge mula India, at tatlong dumating na seafarers mula sa Middle East.

Facebook Comments