Halos pisong rollback sa produktong petrolyo, asahan na sa susunod na linggo ayon sa oil industry

Asahan na ang bawas presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa pagtataya ng oil industry, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.70 ang rollback sa kada litro ng Diesel habang nasa P0.20 hanggang P0.60 per liter ang bawas presyo sa Gasolina.

Mahigit piso naman ang inaasahang tapyas presyo sa kada litro ng Kerosene.


Kaninang umaga, una nang nagpatupad ng rollback sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at Auto-LPG ang ilang kompanya ng langis.

Nasa P2.55 kada kilogram ang ibinaba ng Petron Corporation, Phoenix Petroleum at Solane sa presyo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng P28.05 na bawas presyo sa 11-kilogram na LPG tank.

Habang P1.43 per liter naman ang tapyas presyo sa Auto-LPG ng Petron at Phoenix Petroleum.

Batay sa Datos ng Department of Energy, naglalaro ngayon ang retail prices ng 11-kilogram na LPG cylinder mula P838 hanggang P1,024.

Facebook Comments