Tuesday, March 17, 2026

Retiradong accountant na wanted sa acts of lasciviousness, arestado sa Antipolo

Himas rehas ngayon ang isang 61-anyos na senior citizen matapos maaresto sa ikinasang operasyon ng Marikina City Police Station.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jose,” isang retiradong accountant.

Nadakip ang akusado sa Barangay Mayamot sa bisa ng warrant of arrest para sa apat na bilang ng kasong acts of lasciviousness.

Ang warrant ay inisyu ng Municipal Trial Court.

Samantala, nagtakda ang korte ng ₱144,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Facebook Comments