12-anyos na batang babae – patay matapos malunod sa isang ilog sa Pasay

Pasay City – Patay matapos malunod sa ilog ang isang 12-anyos na babae sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Samantha Zamora, residente ng Barangay 177-Maricaban.

Ayon kay Supt. Deanry Francisco ng Pasay City Police Station, alas otso kaninang umaga nang makitang tumalon sa ilog ang bata sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.


Alas 10:00 na ng umaga nang matagpuan ang bangkay niya sa Tripa De Gallina river.

Facebook Comments