2 buwang sanggol, patay sa landslide sa Lucena

Quezon Province – Patay ang dalawang buwang sanggol matapos na ma-trap sa loob ng bahay kasunod ng nangyaring landslide sa Lucena City, Quezon Province.

Nabagsakan kasi ng nag-collapse na pader ng Mt. Carmel Hospital ang bahay ng biktima.

Wala namang nasaktan sa mga pasyente ng ospital.


Una rito, may magkapatid din ang nasawi sa Taytay, Rizal dahil sa landslide.

Samantala, 13 naman ang naiulat na nawawala sa Calamba City, Laguna sa kasagsagan pa rin ng bagyong Maring.

Pawang mga taga-barangay Parian at San Cristobal ang mga nawawala.
Kasunod ito ng pag-apaw ng tubig sa isang ilog malapit sa mga nabanggit na barangay.

Facebook Comments