12-ANYOS NA BATANG TUBONG ASINGAN, MAGIGING KINATAWAN NG PILIPINAS SA ASIAN TABLE TOURNAMENT 2023

Ibayong pagsasanay ang ginagawa ngayon ng β€˜ping pong wonder’ ng bayan ng Asingan na si Riyana Balicasan, bilang paghahanda sa 2023 South East Asian Junior and Cadet Table Tennis Championships na gaganapin sa Brunei sa unang quarter ng taon.
Matatandaang pinataob ni Riyana sa National Batang Pinoy 2022, ang mahigit isandaang kabataan upang masungkit ang gintong medalya sa Table Tennis Mini-Cadet Girls 12 and below.
Samantala, ayaw maging kampante ng trainer ni Riyana, kung kaya’t araw-araw nag-ensayo ang batang atleta sa Balong Table Tennis Club.
Patunay nito na ang mga Pilipino ay likas na dedikasyon sa larangan ng isports sa kabila ng kanilang murang edad ay may kakayahan na silang irepresenta ang kanilang bansang sinilangan.
Facebook Comments