MGA BAGONG MAYOR AT VICE MAYOR NG CALASIAO, NANUMPA NA

Nanumpa na ang bagong alkalde at bise alkalde ng bayan ng Calasiao kung saan pinalitan ng bagong alkalde na si Kevin Roy Macanlalay ang yumaong alkalde na si late Hon. Mamilyn “Maya” Caramat.
Bukod kay Macanlalay. Nanumpa na rin sa pwesto bilang bise-alkalde ang dating unang konsehal na si Nestor Gabrillo.
Ayon kay Calasiao DILG Officer Marilou Geslani, sila na umano ang mga awtorisado at in-charge sa mga mahahalagang dokumento kung saan ang bagong talagang punong bayan ay nakatoka sa mga executive documents habang ang mga legislative documents naman at nakatoka sa bagong talagang bise-alkalde.
Umaasa naman ang ilang mga residente sa bayan na kahit pumanaw na ang dating alkalde, ay sana ipagpatuloy pa rin ng mga bagong talagang executive leaders ang nasimulan at ang mithiin na paangatin pa ang bayan.
Sa ngayon wala pang itinatalagang mga bagong miyembro ng konseho matapos ang mabakante posisyon ni Gabrillo kung saan ayon sa DILG manggagaling umano na papalit sa vacated position nito ay mula sa kanyang affiliated partylist na API O Abante Pangasinan Ilocano.
Sa ngayon wala pang pahayag ang mga bagong halal na lider ukol sa kanilang pag-upo sa pwesto.
Facebook Comments