12 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa San Juan City

Umakyat na sa 532 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan City matapos na madagdagan ng 12 bagong kaso.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, 310 dito ang gumaling na sa nakamamatay na sakit habang 100 ang suspected cases , 175 ang active cases at 47 ang nasawi sa COVID-19 sa lungsod.

Paliwanag ng alkalde, upang mapigilan ang pagkalat pa ng nakamamatay na virus, kailangang sumunod sa mga precautionary measures gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay.


Hinikayat din ni Mayor Zamora ang publiko na mag-register sa sanjuan.staysafe.ph para sa mas maayos na contact tracing ng City Health Office at kung mayroong mga paglilinaw tungkol sa COVID-19.

Maaari namang tumawag ang mga may katanungan hinggil sa COVID sa hotline 137-135 na bukas 24/7.

Facebook Comments