Lalaki, sawi matapos mahulog mula 7th floor ng hotel; nabagsakan, patay din

395

SPAIN – Patay ang isang lalaki matapos mahulog mula ikapitong palapag ng hotel na aksidente ring nakapatay ng isa ring nabagsakan nito.

Ayon sa report ng Foreign and Commonwealth Office, susuportahan nila ang naiwang pamilya ng biktima na isang British National, matapos itong mahulog sa Melia Don Pepe Hotel sa Marbella, Spain.


Sa ulat ng MailOnline, nasa holiday noon ang lalaki kasama ang kanyang pamilya ng mahulog mula sa 7th floor.

Nangyari ito noong umaga ng Sabado, at aksidenteng mabagsakan ang Spanish man nasa terrace noong mga oras na iyon.

Kinumpirma pa ng pulisya ang pagkasawi ng dalawa.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang nangyari.

Facebook Comments