12 Bagong Positibong Kaso, Naitala sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng labing dalawa (12) na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan sa loob lamang ng isang araw.

Sa datos ng City Health Office as of February 13, 2021, apat (4) sa mga naitalang positibo ay sina CV7866, CV7867, CV7868, CV7869 ay mga kapamilya ng nagpositibong si CV7687. Agad naman silang pinagstrict home quarantine matapos magpositibo si CV7687. Sila ay asymptomatic o hindi nakaranas ng anumang sintomas ng COVID-19. Patuloy nilang tinatapos ang kanilang mandatory quarantine.

Sumunod ay si CV7870, babae, 69 taong gulang, residente ng Barangay District 3. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo at lagnat simula February 2, 2021. Agad naman itong sumailalim sa antigen test kung saan siya ay nagpositibo. Siya ay kinuhanan ng sample para sa swab test. Lumabas na positibo ito sa COVID-19. Siya ay may comorbidity na hypertension at Pneumonia. Wala itong history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay nasa pangangalaga ng isang hospital isolation facility.


Kabilang din sa mga nagpositibo ay si CV7873, babae, 40 taong gulang, residente ng Barangay District 3. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo at lagnat simula February 6, 2021. Agad naman itong komunsulta sa isang ospital kaya’t siya ay kinuhanan ng sample para sa swab test bilang protocol at siya ay positibo. Siya ay may comorbidity na Pneumonia. Wala itong history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay nasa pangangalaga ng isang hospital isolation facility.

Sunod ay si CV7878, babae, 66 taong gulang, residente ng Barangay District 1. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo, lagnat, hirap sa paghinga at panghihina. Siya ay agad namang nagpakonsulta sa isang ospital dahil siya ay may comorbid na hypertension at Pneumonia. Siya ay kinuhanan ng sample para sa swab test bilang protocol ng ospital at siya ay positibo rin. Wala itong history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay nasa pangangalaga ng isang hospital isolation facility.

Pang walo ay si CV7901, babae, 72 taong gulang, residente ng Barangay Guayabal. Siya ay may comorbidity na hypertension. Siya ay na-admit sa isang ospital dahil sa sakit na anemia at ulcer. Siya ay kasalukuyang nasa hospital isolation facility.

Si CV7906, 42 taong gulang na lalaki, residente ng Barangay District 3, isang credit specialist officer ng isang bangko. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng pananakit ng ulo, panlalamig, at panghihina. Agad niya naman itong inireport sa ating City Health Office kaya’t siya ay kinuhanan ng sample para sa swab test at siya ay positibo. Wala itong history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay nasa pangangalaga ng isang LGU isolation facility.

Tinamaan din ng sakit na COVID-19 si CV7988, 84 taong gulang na lalaki, residente ng Barangay Minante 1. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng hirap sa paghinga. Siya ay agad namang nagpakonsulta sa isang ospital dahil siya ay may comorbid na cancer at sakit sa baga. Siya ay kinuhanan ng sample para sa swab test bilang protocol ng ospital at siya ay nagpositibo. Wala itong history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay nasa pangangalaga ng isang hospital isolation facility.

Nagpositibo rin sa virus si CV8000, 26 taong gulang na lalaki, isang Visual Designer, kasalukuyang nakatira sa Barangay Sillawit ngunit tubong Barangay Paliparan III Dasmariñas, Cavite. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng pagkawala ng panlasa at pang-amoy. Agad naman niya itong ipinaalam sa ating local na tanggapan ng kalusugan at agad na kinuhanan ng swab test hanggang sa siya ay positibo. Siya ay nasa pangangalaga ng LGU isolation facility.

Panghuli ay si CV8004, 56 taong gulang na lalaki, isang helper, residente ng Barangay San Fermin. Nakaranas ito ng sintomas gaya ng ubo, lagnat, hirap sa paghinga, at pagkawala ng gana sa pagkain. Bilang may comorbidity na Asthma siya ay nagpakonsulta sa isang ospital. Isinailalim din sa swab test at siya ay nagpositibo. Siya ay walang history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay nasa hospital isolation facility.

Ang mga barangay na kinaroroonan ng mga bahay ng mga nagpositibong kaso ay patuloy na isinailalim sa calibrated lockdown.

Tgas: 98.5 ifm cauayan, cauayan city, isabela luzon, cauayan city, covid19,

Facebook Comments