12 banta ng COVID-19 sa bansa, pahupa na – PSMID

Unti-unti na umanong bumababa ang posibilidad na kumalat pa ang kinatatakutang 2019 Novel Coronavirus.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, unti-unti nang bumababa ang bilang ng mga nagnenegatibo sa mga tinatawag na Patients Under Investigation. Sila aniya ang mga taong galing ng China pero walang sintomas at naka-kwarantina.

Ani Salvaña, bagama’t marami ang bilang ng mga PUIs, wala namang naitatalang confirmed case.


Taliwas aniya sa projection nila, pababa na ang containment procedure na isinasagawa ng Department of Health.

Sa ngayon aniya ay 2% lamang ang mortality rate o tsansa ng pagkamatay at 98% na magagamot ang mga PUIs na minomonitor ng Department of Health.

Gayunman, hindi aniya dapat magpakakampante sa halip ay gawin pa rin ang mga precautionary measures tulad ng pag-iwas sa matataong lugar at mga taong may impeksyon o may sakit.

Facebook Comments