12 drug suspects kabilang ang AWOL na Army, natimbog ng QCPD

Labindalawang drug suspects kasama ang isang AWOL na miyembro ng Philippine Army ang arestado sa magkahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng sa Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay QCPD Director P.B.Gen. Remus Medina, nagresulta ito sa pagkakumpiska ng humigit kumulang ₱353,600 halaga ng shabu.

Kinilala ni P.Lt.Col. Melgar Devaras, Hepe ng District Special Operations Unit ang AWOL na miyembro ng Philippine Army na si Lemuel Jose Anosa, 36 taong gulang, nakatira sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.


Nauna rito, nagsagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Detective Special Operations Unit (DSOU) sa kahabaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Road, Brgy. Holy Spirit, Quezon City, nang mapansin nila ang kahina-hinalang suspek na may naka-usli sa kanyang tagiliran.

Kaagad nila itong nilapitan upang kumprontahin, at nang sinabi nila na itaas ang kanyang pangitaas na damit, isang replica ng calibre ng baril ang nakuha sa kanya na nagresulta sa kanyang pagkaaresto.

Maliban sa baril nakuha din sa suspek ang isang pakete ng shabu na nagkakahalagang ₱13,600

Facebook Comments