British Ambassador to the Philippines, naging panauhin sa founding anniversary ng Korte Suprema

53

Personal na dumalo sa 121st Founding Anniversary ng Korte Suprema si United Kingdom Ambassador to the Philippines H.E. Laure Beaufils.

Kasabay ito ng kanyang courtesy call kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa Korte Suprema.

Present din sa okasyon ang mga mahistrado at opisyal ng Kataas-Taasang Hukuman.


Ipinaabot din ni Chief Justice Gesmundo ang pasadalamat nito sa British Government sa patuloy nitong pagsuporta sa mga reporma ng Hudikatura.

Gayundin sa tulong ng UK government sa pagbili ng Pilipinas ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Tinukoy din ng punong mahistrado ang pagbibigay ng British Government ng Judiciary trainings at mga programa sa pagpapa-unlad ng skills ng mga hukom at court personnel ng Pilipinas.



Facebook Comments