12 fighter jet ng Japan, “grounded” matapos mawala ang isang F-35A habang nasa training mission sa Pacific Ocean

Grounded ang natitirang labindalawang (12) F-35A fighter jets ng Japan.

 

Kasunod ito ng pagkawala ng isa nilang lockheed martin-made stealth fighter kagabi sakay ang isang piloto habang nasa training mission sa Pacific Ocean.

 

Ayon kay Japanese Defense Minister Takeshi Iwaya, nanatiling grounded ang mga fighter jets hangga’t hindi nahahanap ang nawawalang F-35A.


 

Nagsasagawa na ang search and rescue operations ang mga otoridad.

 

Noong 2018, isa ring stealth bomber ang bumagsak sa Amerika na itinuturing na pinakamahal at pinakamodernong fighter jet sa kasaysayan ng Estados Unidos.

 

Sa ngayon, 12 bansa lang ang pinayagang makabili nito kasama na ang South Korea at Australia.

Facebook Comments