
Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang pagdating doon ng 12 Filipino seafarers na na-rescue sa Iraq.
Ang naturang Pinoy crew members ay sakay ng Marshall Islands-flagged cargo vessel na Safesea Vishnu na lumubog sa karagatan ng Iraq.
Mula Iraq ay nag-transit sa Hong Kong ang mga Pinoy seafarers kung saan sinalubong sila ng mga tauhan ng konsulada ng Pilipinas.
Tinulungan naman sila ng Philippine Consulate sa kanilang pagdaan sa Hong Kong Immigration para sa maayos na pag-uwi sa Pilipinas.
Facebook Comments










