Wednesday, March 18, 2026

12 Filipino seafarers na nakaligtas sa barkong tinamaan ng bomba sa coast of Iraq, nasa ligtas nang lugar

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Iraq na nasa Basra Governorate na sa Southern Iraq ang 12 Filipino crew members na nakaligtas sa barkong tinamaan ng bomba sa coast of Iraq.

Ang naturang Pinoy Crew members ay sakay ng Safesea Vishnu oil tanker na binomba noong March 11.

Ang mga apektadong crew members ay ni-rescue ng Iraqi authorities at agad na binigyan ng medical care habang naglalayag patungo sa ligtas na lugar.

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa shipping company ng Pinoy seafarers para sa mga kakailanganing documentary requirements sa kanilang repatriation.

Sa naturang pag-atake, isang Indian seafarer ang nasawi.

Facebook Comments