*Cauayan City, Isabela*- Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng awtoridad ang 12 katao na wanted sa batas matapos ang mahigpit na kampanya sa Oplan Manhunt Charlie kahapon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Eliseo Manango, 57 anyos, Top 2 City Level, may asawa at residente ng Brgy. Batal, Santiago City para sa kasong Rape; Napoleon Natividad, 67 anyos, balo, retired BFP at residente ng Centro 1, Claveria na nahaharap sa aksong Tax Code of 1997; Marlon Castillo, 55 anyos, Top 7 Intel List, may asawa, isang magsasaka at JongJong Matias, 33 anyos, Top 9 Intel List, walang asawa, isang magsasaka na kapwa residente ng Brgy. Mauanan, Rizal para sa kasong Attempted Murder.
Naaresto din sina Joey Baligod, 22 anyos, binata, hotel employee at residente ng Solana, Cagayan para sa kasong RIR in Homicide and Damage to Property; Mark Pagalilauan, 28 anyos, binata, isnag tricycle driver at residente ng Caggay, Tuguegarao City para sa paglabag sa RA 9262 habang inaresto din si Andres Tablac, 73 anyos, may asawa para sa kasong Acts of Lasciviousness; Melecio Pascua, 49 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Camalaniugan para sa paglabag sa kasong Attempted Homicide; Oscar Umengan,29 anyos, binata, van driver at residente ng Aparri para naman sa kasong Serious Physical Injuries with Permanent Deformity.
Gayunman, hindi rin nakapalag ng maaresto ng awtoridad sina Freddie Habawel, 22 anyos, binata, isang magsasaka at residente ng Ambaguio, Nueva Vizcaya para sa kaosng Panggagahasa; Randy Bumagat, 38 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Dibay, Calayan, Cagayan para sa kasong RA 8550 (The Philippine Fisheries Code of 1998); Luluquisin Esquivel, 48 anyos na residente ng Brgy. Rosario, Santiago City para sa kasong BP 22 at Basha Angelica Addatu, 22 anyos, GRO, tubong Tuguegarao City at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Nappacu Grande, Reina Mercedes, Isabela para sa kasong RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003).
Pinuri naman ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ang pulisya sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga itinuturing na nagtatago sa batas.