12 Katao, Sugatan nang Mahulog sa Tulay ang Sinasakyang Jeep!

*Tuao, Cagayan- *Nakaligtas na bingit ng kamatayan ang labindalawang indibidwal matapos mahulog ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep pasado alas kwatro ng hapon, Mayo 30, 2019 sa Itawes overflow bridge ng Brgy Alabiao, Tuao, Cagayan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng PNP Tuao, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng jeep na si William Agliam, 39 anyos at residente ng Brgy. Mungo ng nasabing bayan kaya’t dumeretso at nahulog ito sa nasabing tulay.

Agad namang tumugon ang mga otoridad sa nasabing insidente kaya’t naisugod sa pagamutan ang mga sugatang pasahero ng jeep.


Sa ngayon ay inihahanda na ng pulisya ang isasampang kaso na Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Multiple Injuries laban sa drayber.

Ang nahulog na pampasaherong jeep ay luma at kulang na rin umano sa m aintenance.

Facebook Comments