Same-sex couple, nag-ampon ng 6 na magkakapatid na halos 5 taon sa ampunan

Photos by Steve Anderson-McLean

Sa Pennsylvania, USA, isang gay couple ang nag-ampon ng anim na magkakapatid na halos limang taong namalagi sa ampunan.

Matapos ang isang taong pag-aalaga sa anim na magkakapatid, opisyal nang inampon ni Steve Anderson-McLean at Rob Anderson-McLean sina Carlos, 14, Guadalupe, 13, Maria, 12, Selena, 10, Nasa, 9, at Max, 7 nitong May 23.

Sa ‘Good Morning America’, sinabi ng mag-asawa na na-inspire silang mag-ampon ng magkakapatid matapos mapanood sa TV ang isa pang couple na ganoon din ang ginawa.


“Such a staggering amount of sibling groups are broken up and it broke our hearts,” sabi ni Steve base aniya sa research na ginawa niya.

Nahanap ng dalawa ang magkakapatid matapos silang ma-feature sa isang website sa Ohio.

“We instantly fell in love. They’re very easy to make smile,” ani Steve.

Kuwento pa niya, malungkot ang background ng magkakapatid matapos makaranas ng pagpapabaya at pang-aabuso.

Ibinahagi rin ng couple ang makapagbagbag damdaming eksena noong araw na inampon nila ang magkakapatid.

“The judge asked, ‘Do you understand at this point forward they are your children? They are just as much as your biological children.’ Obviously we knew that, but when I looked up and saw all those eyes, it was very emotional,” ani Steve. “We never imagined we’d be lucky enough or blessed enough to have six.”

“I’d say our kids have brought a great kind of crazy to our lives. It’s heartwarming and so exciting to see how they connect with us and our extended family and friends,” sabi naman ni Rob.

18 years nang magkasama si Steve at Rob Anderson-McLean, at nagpakasal noong 2013 sa Maryland.

Bago ang anim na magkakapatid, mayroon namang dalawa pang anak na lalaki si Steve at Rob mula sa mga nauna nilang karelasyon–Parker, 25, at Noah, 21.

Facebook Comments